Home Entertainment Angeline Quinto,Ibinunyag sa Publiko ang Totoong Dahilan ng Hiwalayan nila ni Erik...

Angeline Quinto,Ibinunyag sa Publiko ang Totoong Dahilan ng Hiwalayan nila ni Erik Santos

Inamin din ni Angeline ang naging relasyon nila ni Erik Santos na singing partner at matalik na kaibigan nito sa industriya. “Sinubukan…

Inamin din ni Angeline ang naging relasyon nila ni Erik Santos na singing partner at matalik na kaibigan nito sa industriya.

“Sinubukan namin yon [ang maging magkarelasyon],” pagsisimula ni Angeline.

“Kaya lang para lang kaming natatawa sa isa’t isa. Kaya sabi ko, Pogs, huwag natin pilitin. Talagang magkaibigan lang tayo,” natatawang pagbabahagi ni Angeline.

Dagdag ni Angeline, dahil sa malalim nilang pagkakaibigan nila ni Erik, naging takbuhin na ng dalawa ang isa’t isa.

“May true love si Angeline Quinto ngayon?” sunod na tanong ni Karen.

“Meron po. Opo Miss Karen. Mas bata lang sa akin nang kaunti,” ani Angeline.

Mas pinili ni Angeline na non-showbiz ang kanyang partner para na rin labas sa trabaho ang buhay pag-ibig nito.

Sa naging panayam sa kanya ni Karen Davila ay inamin ng singer na “true love” ang nadatnan niya sa kanyang non-showbiz boyfriend ngayon.

Nang tanungin ni Karen si Angeline sa plano nitong mag-kapamilya, hopeful ang singer na umabot siya sap untong iyon sa kanyang buhay.

“Miss Karen, darating naman po tayo sa pagkakataon na ‘yan [mag-asawa at magkaroon ng anak] at dinadasal ko rin yon,” sabi ni Angeline.

“Syempre ngayon wala akong kasama na. Wala na ang Mama Bob. Siguro darating din yon, Ms. Karen na magkaroon ako ng napakagandang pamilya,” dagdag niya.

Hulyo nakaraang taon nang mamayapa ang adoptive mother ng singer.

Kasunod na kinumpirma ni Angeline na may nagpapatibok sa kanyang puso ngayon.