Home Entertainment Aj Raval, Muling Agaw Atensyon! Apektado na ang ‘mental health’ dahil sa...

Aj Raval, Muling Agaw Atensyon! Apektado na ang ‘mental health’ dahil sa Pangyayaring ito

Inamin ni Aj Raval na naging apektado na ang kanyang ‘mental health’ dahil sa nangyayaring kaganapan na nagdadawit sa kanyang pangalan sa hi…

Inamin ni Aj Raval na naging apektado na ang kanyang ‘mental health’ dahil sa nangyayaring kaganapan na nagdadawit sa kanyang pangalan sa hiwalayang Aljur at Kylie Padilla.

Tila bumigay na ang aktres na si AJ Raval sa pambabatikos na kanyang natatanggap sa social media.

Ito’y matapos ibahagi ni AJ ang post ng kanyang rumored boyfriend na si Aljur Abrenica para sa asawa nito na si Kylie Padilla.

Marami kasing netizen ang sinabi na dapat hindi nakikisali si AJ sa ‘away mag asawa’ ni Aljur at Kylie lalo na’t “kabit” lamang daw siya.

Makikita sa isang video na kanyang inilabas ay humingi ng paumanhin si AJ kay Kylie dahil sa kanyang panghihimasok sa away mag asawa.

“People are accusing me sa isang bagay na hindi ko naman ginawa. Tinatawag nila akong kabit, tinatawag nila akong homewrecker, which is hindi naman totoo,” ani AJ.

Shinare ko lang talaga ‘yon siguro dala ng emosyon, kasi I’m really hurting. I’m really sorry sa lahat ng mga naapektuhan. Sa mga nagalit and also kay Kylie, I’m sorry kung shinare ko ‘yung statement na ‘yon,” dagdag niya pa.

Walang pag-alinlangan na inamin ni AJ na sobrang apektado na ang kanyang ‘mental health’ sa nangyayari kaya naman nagdesisyon sa na iwanan muna ang social media.

“Ayoko na. Gusto ko na lang ng peace sana matapos na ito kasi bugbog na talaga yung mental health ko. Di ko na kaya, so mag-social media detox na muna ako. Next year na lang ako babalik ng social media. Maraming salamat sa nagmamahal pa rin sa akin.” sabi ni AJ.

Matatandaan na inamin na noon ni AJ na nililigawan siya ni Aljur at hindi daw imposible na mahulog siya ng tuluyan sa aktor.

Ngunit maraming netizen ang nagsasabi na maaring magkarelasyon na ang dalawa lalo na’t nakita sila ng ilang beses na magkahawak ang kamay sa pampublikong lugar.