Home Entertainment ‘Siya dapat si Daniel Padilla ngayon’, Cristy Fermin naawa sa sinapit ni...

‘Siya dapat si Daniel Padilla ngayon’, Cristy Fermin naawa sa sinapit ni Albie Casiño nang dahil kay Andi Eigenmann

Nakaramdam ng awa si Cristy Fermin para kay Albie Casiño. Sa kabila ng mga patutsada ng aktor laban kay Andi Eigenmann.

Sa isang episode ng programang Take It Per Minute Me Ganun. Sinabi ni Cristy na alam niya ang puno’t dulo ng isyu nina Albie at Andi.

Kaya ganoon na lamang umano ang galit na nararamdaman ng aktor para sa kanyang dating kasintahan.

Saad ng batikang kolumnista, “Hindi ganun ka sinsero at kaseryoso.. parang hehehe.. ako naman ay naaawa kay Albie. Alam ko kasi ang storya niyan eh. Siya dapat si Daniel Padilla ngayon.”

Saad ng batikang kolumnista, “Hindi ganun ka sinsero at kaseryoso.. parang hehehe.. ako naman ay naaawa kay Albie. Alam ko kasi ang storya niyan eh. Siya dapat si Daniel Padilla ngayon.”

“At si Daniel Padilla nga ang nakuha ng pa-audition.”

“Pero nung pumut0k ito, humanap ulit sila. Parang ganun.”

“So syempre sa puso ng isang tulad ni ano, ang laki-laki dapat ng ginenansya ko sa buhay na ‘to. Pero nawala dahil sa isyu na ‘yan. Eh ang dulo, hindi naman pala siya ang tatay,” dagdag pa nito.

Singit naman ni Mr. FU, Kaya siguro meron pa ring himutok, dahil may history”

Habang pinag-uusapan nila ang tungkol sa nangyari sa career ni Albie. Napagtanto ng mga host na kung sakaling hindi nangyari ang bagay na iyon ay dapat sana kasing sikat na ni Daniel si Albie.

Hindi sana madidiscover ang tambalang KathNiel kung hindi lumabas ang isyu noon nina Andi at Albie.

Panoorin dito ang kabuuan ng kanilang paguusap: