Home Entertainment Cristine Reyes ibinahagi ang mapait na karanasan niya sa kanyang biological mother

Cristine Reyes ibinahagi ang mapait na karanasan niya sa kanyang biological mother

Inilahad ni Cristine Reyes ang hindi magandang childhood niya noon dahil sa kalupitan ng kanyang ina.

Kamakailan lang ay naging guest si Cristine sa podcast ni Liza Florida na ‘ Eight Billion Project’. Dito ay ibinahagi ng aktres na siya pala ay ad0pted lang noon

Kinagisnan nito ang itinuring niyang ‘Daddy Metring’ na nagparamdam sa kaniya ng tunay na pagmamahal ng isang ama sa kabila ng simpleng buhay ngunit, hindi pala ito ang kaniyang biological father.

“So they sat me down, my Daddy Metring said actually, it’s not him. It’s his wife Mommy Shirley. They told me, You’re not our real child. I was shocked. They said, ‘Your real mom is on the way here” pagbabalik tanaw ni Cristine.

Naalala umano ng aktres na hinatak umano siya ng kaniyang tunay na ina paalis habang umiiyak at mahigpit ang paghawak nito sa kaniyang Daddy Metring. Habang nagmamaneho umano ang kaniyang ina ay sinabi nitong kalimutan na raw ni Cristine ang kaniyang kinalakihang pamilya dahil hindi niya naman ito kadugo.

Sa murang edad, hindi napawi ng marangyang pamumuhay ang sakit na dulot ng pagkawalay nito sa kaniyang ama-amahan.

“It wasn’t a very welcome for me. I think I don’t belong here.”

Habang tumatagal, nararamdaman umano ni Cristine na parang may galit sa kaniya ang ina. Narinig niya umano rito ang ilang mga pahayag na hindi gugustuhing marinig ng sinumang anak mula sa kanilang mga magulang.

“You never should have been born. You’re just something else. Your grip was there. I aborted you so many times. You should have d1ed”

Kaya noong 21 na siya, bumukod na umano siya ng bahay ngunit nagdulot naman ito ng tra’uma sa kaniya.

Kahit na ngayong may anak na siya, hindi pa rin niya maiwasang hindi makaramdam ng takot kapag naaalala ang kaniyang childhood.