Home Entertainment Derek Ramsay, Kakasuhan ang Tabloid na Nagpakalat ng Fake News Tungkol sa...

Derek Ramsay, Kakasuhan ang Tabloid na Nagpakalat ng Fake News Tungkol sa Anak ni Ellen!

Usap-usapan ngayon sa social media ang nalalapit na kasalan ng celebrity couple na sina Ellen Adarna at Derek Ramsay. Kamakailan lang, napa-wow ang mga netizens sa romantic pre-nuptial photos ng dalawa. Ngunit hindi pa rin maiwasan na masangkot sa kontrobersya at isyu ang dalawa, at kamakailan lang, nangako si Derek na may masasampolan siya dahil dito.

Kahit pa masaya at kuntento na si Ellen at Derek sa kanilang pagsasama, tila may mga tao pa rin na pilit silang idinadawit sa kontrobersya.

Kamakailan lang ay nag-post ang tabloid na Bulgar sa Facebook ng ‘scoop’ sa kumalat na wedding invitations ng celebrity couple. Napansin nila ang ginamit na pangalan ni Elias dito.

Si Elias Modesto ang anak ni Ellen sa kanyang dating partner na si John Lloyd Cruz. Sa isang kumalat na wedding invitation, makikitang si Elias rin ang ginawa nilang ring bearer sa kanilang kasal, ngunit dahil cropped ang photo ay Elias Modesto Adarna lamang ang nakita.

Ayon sa Bulgar Online, hindi daw ipinagamit ni Ellen ang apelyido ni John Lloyd sa kanilang unico hijo.

Ngunit napatunayan namang mali ito matapos ilabas ni Ellen at Derek ang buong wedding invitation, kung saan makikitang karugton ng pangalan ni Elias ang apelyido ng tatay niya na Cruz. Hindi rin ito pinalagpas ni Derek, at nagbanta itong magsasampa ng kaso laban sa tabloid sa pagpapakalat ng fake news.

“The ultimate bearer of fake news. We will definitely take legal action on this! Don’t ever attack my family,” pahayag ng aktor. Kaugnay nito ay ibinahagi rin niya ang screenshot ng post ng Bulgar, kung saan ipinakalat nito ang tsismis tungkol kay Elias.

Inulan naman ng komento ang post na ito ni Derek. Ayon sa kanyang mga fellow celebrities at fans, nararapat lamang na mag-take ito ng legal action upang masampolan na rin ang iba sa pagpapakalat ng fake news sa social media.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.