Home Entertainment Mikael Daez ibinunyag sa isang video ang pinakakinakatakutan ng asawang si Megan...

Mikael Daez ibinunyag sa isang video ang pinakakinakatakutan ng asawang si Megan Young!

Miss World 2013 Megan Young, nabuking ang pinaka kinakatakutan dahil sa kanyang asawang si Mikael Daez.

Kung ang karamihan ay takot maiwan ng kanilang minamahal, ang ating beauty queen na si Megan Young ay may ibang kinakatakutan sa buhay.

Mahilig mag travel kung saan saan ang celebrity couple at ibinabahagi nila ang kanilang adventure trips sa social media.

Pero ibang vacation video ang inupload ng Kapuso actor sa kanyang Instagram. Makikita na nakasakay sila sa elevator ng mataas na gusali.

Makikita mo ang labas mula sa loob ng elevator kaya nakakalula talaga tignan.

Pero si Megan, takot pala sa mga matataas.

Tila may acroph0bia ang Miss World 2013. Ang acroph0bia ay ang “fear of heights.”

Sa nasabing video, ibinahagi ni Mikael kung ano ang itsura ng kanyang asawa habang nag pipigil ito umiyak. Naluluha na sa takot si Megan pero inaasar pa din siya ng asawa.

“Boneezy fear of heights kicked in inside an elevator. Pero dahil mas nahihiya siyang umiyak in public, she kept it all inside,” pagbabahagi ni Mikael.

Makikita din ang itsura ni Megan kahit na nasa escalator na sila. Tinulungan pa siyang tumayo ni Mikael at natatawa ito sa reaksyon ng kanyang asawa.

Pabirong sabi pa ni Mikael, ipapakita daw niya sa future kids nila ang larawan kung saan makikitang takot na takot ang kanilang mommy.