Home Entertainment Tambalan nina Jelai Andres at Paul Salas kinakikiligan ngayon sa social media

Tambalan nina Jelai Andres at Paul Salas kinakikiligan ngayon sa social media

Mukhang may papausbong na pagtitinginan ngayon sa mga Kapuso stars na sina Jelai Andres at Paul Salas.

Maraming netizens ang nakapansin ng chemistry umano nina Jelai at Paul. Nagtambal kasi ang dalawa sa isang shoert film sa YouTube.

Ito ay para sa Halloween special vlog ni Jelai entitled ‘Sama Ka’.

Ipinamalas ng dalawa ang husay nila sa pag arte sa nasabing short film kung saan kasama din nila ang vlogger na si Mika Salamanca.

Maraming netizens naman ang napahanga at namangha sa ganda ng istorya at galing ng pagkakagawa nito.

Pero mas maraming nakapansin sa chemistry umano nina Jelai at Paul. Marami ang kinilig at nagsasabing bagay daw talaga ang dalawa.

Parehas pa naman single ngayon sina Paul at Jelai kaya inuudyokan ng mga netizens na sana ay maging reel to real na ang kanilang tambalan.

Narito ang ilan sa komento ng netizens:

“Ganda Po nag movie nyo Po.. ate Jelai Andres..good job Po”

“Nakakabitin nmn miloves pero bagay kayo ni errol “

“Miloveeees! Bkt nmn ganun?! ung ngiti ko dko alam san aabot sa kilig sa last part”

“May chemistry kayo miloves”

“Hala bagay kayo ni Paul miloves baka siya na ang makakpaagpasaya sa puso mo”

Panoorin dito ang ‘Sama Ka’ short film nina Paul at Jelai: